Colonoscopy
Isang pagsusuri ang colonoscopy upang makita ang loob ng iyong ibabang bahagi ng digestive tract (colon o malaking bituka at rectum o tumbong). Kung minsan maaari nitong ipakita ang huling bahagi ng maliit na bituka (ileum). Habang ginagawa ang pagsusuri,maaaring alisin ang maliliit na piraso ng tisyu para sa pagsusuri. Tinatawag itong biopsy. Maaaring alisin ang maliliit na pagtubo, gaya ng mga polyps.
 |
Ginagamit ang nakakabit na camera sa isang nababanat na tubo na may viewing lens upang kumuha ng mga video. |
Bakit ginagawa ang colonoscopy?
Isinasagawa ang pagsusuri:
-
Para tingnan kung may kanser sa colon o mga polyp
-
Para tumulong na hanapin ang pinagmumulan ng pananakit ng tiyan (abdominal) o pagdurugo
-
Para tumulong na hanapin ang sanhi ng mga pagbabago sa mga kinagawian sa pagdumi
Maaaring kailanganin ito tuwing 5 hanggang 10 taon. O maaaring kailanganin ito nang mas madalas. Depende ito sa mga dahilan, tulad ng iyong:
-
Edad
-
Kasaysayan ng kalusugan
-
Kasaysayan ng kalusugan ng pamilya
-
Mga sintomas at alalahanin sa tiyan o pagdumi
-
Mga resulta mula sa nakaraang pagsusuri
Mga panganib at posibleng komplikasyon
Kabilang sa mga ito ang:
-
Pagdurugo
-
Butas (puncture) o punit sa loob ng colon
-
Mga panganib o reaksyon sa gamot na pampamanhid (anesthesia)
-
Hindi nakikita o hindi ganap na natanggal na sugat (lesion) ng kanser mula sa nakaraang pagsusuri o mga pamamaraan
Paghahanda
Upang maghanda para sa pagsusuri:
-
Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa mga panganib ng pagsusuri (tingnan sa ibaba). Maaari ka ring magtanong tungkol sa iba pang opsyon.
-
Sabihin sa iyong tagapangalaga kung anong mga gamot ang iyong iniinom. Kabilang dito ang mga walang reseta at inireresetang gamot. Kabilang din dito ang mga bitamina, halamang gamot, at suplemento. Malamang na payuhan kang ihinto ang pag-inom ng anumang gamot na pampalabnaw ng dugo bago ang pagsusuri.
-
Sabihin sa iyong tagapangalaga kung anong mga kondisyon ng kalusugan at mga alerhiya ang mayroon ka.
-
Tiyakin na walang laman ang iyong tumbong at colon para sa pagsusuri. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagsunod nang eksakto sa mga tagubilin sa diyeta at paghahanda ng bituka. Kung hindi mo susundin ang mga tagubilin, malamang na kaialngang baguhin ang iskedyul ang pagsusuri.
Sa panahon ng pagsusuri
Kadalasang isinasagawa ang pagsusuri sa ospital bilang outpatient. O isinasagawa sa isang klinika ng outpatient. Ang outpatient ay nangangahukugan na uuwi ka sa araw ding iyon. Kadalasang tumatagal ang pamamaraan ng mga 30 minuto. Sa oras na iyon:
-
Bibigyan ka ng gamot na pampakalma sa pamamagitan ng IV (intravenous) line. Maaaring antukin ka. O maaari kang makatulog.
-
Magsasagawa muna ng pagsusuri ng katawan ang tagapangalaga ng kalusugan. Isinasagawa ito upang tingnan ang anumang problema sa puwit at tumbong.
-
Pagkatapos, lalagyan ng pampadulas ang puwit at ipapasok ang scope.
-
Maaaring pakiramdam mo ay kailangan mong dumumi kung gising ka. Maaari kang makaramdam ng presyon habang ibinobomba ang hangin sa colon. Ayos lang na umutot habang ginagawa ang pamamaraan.
-
Maaaring gawin ang biopsy, pagtanggal ng polyp, o iba pang paggamot habang ginagawa ang pagsusuri.
 |
Nagbibigay ang colonoscopy ng panloob na view ng buong colon. |
Pagkatapos ng pagsusuri
Maaari kang umutot pagkatapos ng pagsusuri. Makatutulong ito na alisin ang gas para maiwasan ang pagkalam ng tiyan o kawalang ginhawa. Maaaring kausapin ka kaagad ng iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa mga resulta. O maaaring kailanganin mong mag-iskedyul ng susunod na pagbisita upang pag-usapan ang tungkol sa mga resulta.
Kakailanganin mong may maghatid sa iyo pauwi pagkatapos ng pamamaraan.
Maaari kang bumalik sa normal mong pagkain at iba pang gawain pagkatapos ng pagsusuri, kung kaya mo. Maaaring pagod ka mula sa pampamanhid at kailangang magpahinga sa buong araw. Itanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung kailan ka muling makakainom ng iyong mga regular na gamot. Lalong mahalaga ito kung gumagamit ka ng anumang gamot na pampalabnaw ng iyong dugo. Maaaring gusto ng ilang tagapangalaga na ihinto mo ang pag-inom ng mga pampalabnaw ng dugo sa loob ng ilang araw pagkatapos ng pagsusuri.
Muling simulan ang iyong programa ng ehersisyo sa paglalakad kapag sinabi ng iyong tagapangalaga na AYOS lang. At dahan-dahang magsimulang maglakad nang mas matagal kung kaya mo.
Uminom ng maraming tubig pagkatapos ng iyong pamamaraan. Ngunit umiwas mula sa anumang alak sa loob ng 8 hanggang 24 na oras.
Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan
Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon ka ng alinman sa mga ito:
-
Matinding pananakit ng tiyan (abdomin)
-
Pamamaga ng tiyan o matigas na tiyan
-
Lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o ayon sa ipinayo ng iyong tagapangalaga
-
Pagduro sa puwet o may dugo na kapag dumudumi
-
Pagkahilo o pagsusuka
-
Panghihina o pagkahilo
Online Medical Reviewer:
Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer:
Melinda Murray Ratini DO
Online Medical Reviewer:
Robyn Zercher FNP
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.