A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Mga Problema sa Eustachian Tube: Mga Tagubilin sa Pangangalaga

Eustachian Tube Problems: Care Instructions

Mga Tagubilin sa Iyong Pangangalaga

../images/3237016deb57f83975b15181e7799610.jpg

Makikita ang mga eustachian (bigkasin bilang "you-STAY-shee-un") tube mula sa mga tainga hanggang sa lalamunan. Pinapanatiling stable ng mga ito ang pressure ng hangin sa mga tainga. Kung nabarahan ang iyong mga eustachian tube, nagbabago ang pressure ng hangin sa iyong mga tainga. Maaaring magbara ang mga eustachian tube nang dahil sa mga fluid mula sa sipon, na nagdudulot ng pananakit sa mga tainga. Maaaring magsara ang mga eustachian tube nang dahil sa mabilis na pagbabago sa pressure ng hangin. Maaari itong mangyari kapag nagbago ang altitude ng eroplano o kapag lumusong o umaahon sa dagat ang isang scuba diver.

Karaniwan, nawawala ang mga problema sa eustachian tube nang kusa o pagkatapos itong gamutin ng antibiotic. Kung barado pa rin ang iyong mga tube, maaaring kailanganin mong magpaopera.

Ang follow-up na pangangalaga ay isang mahalagang bahagi ng iyong paggamot at kaligtasan. Siguraduhing ipaskedyul at puntahan ang lahat ng appointment, at tawagan ang iyong doktor kung nagkakaproblema ka. Mainam ding alamin ang mga resulta ng iyong mga pagsusuri at magtabi ng listahan ng mga iniinom mong gamot.

Paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili sa bahay?

  • Upang mabawasan ang pananakit ng tainga, maglagay ng maligamgam na pamunas o heating pad na nasa low ang setting. Maaaring may tumulo mula sa tainga kapag natunaw na ng init ang tutuli. Maglagay ng tela sa pagitan ng pinagmumulan ng init at ng iyong balat. Huwag gumamit ng heating pad sa mga bata.

  • Kung nagreseta ng mga antibiotic ang iyong doktor, inumin ang mga ito gaya ng itinuro. Huwag itigil ang pag-inom ng mga ito dahil lang bumuti ang iyong pakiramdam. Kailangan mong inumin ang kumpletong dosis ng mga antibiotic.

  • Maaaring magrekomenda sa iyo ang iyong doktor ng gamot na nabibili nang walang reseta. Maging ligtas sa paggamit ng mga gamot. Maaaring mabawasan ang pananakit ng tainga sa pamamagitan ng paggamit ng mga oral o nasal decongestant. Iwasan ang mga decongestant na may mga antihistamine, na malamang na magdulot ng dagdag na pagbabara. Ngunit kung mukhang mga allergy ang problema, maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng kumbinasyon. Maging maingat sa paggamit ng mga gamot para sa ubo at sipon. Huwag ibibigay ang mga ito sa mga bata na wala pang 6 na taong gulang, dahil hindi tumatalab ang mga ito sa ganoong edad at maaari din itong maging mapanganib para sa kanila. Para sa mga batang 6 na taon pataas, palaging sundin nang maigi ang lahat ng tagubilin. Siguraduhin na alam mo kung gaano karaming gamot ang ibibigay at kung gaano katagal ito gagamitin. At gamitin ang device sa pagdodosis kung may kasama nito.

Kailan ka dapat humingi ng tulong?

Tumawag sa iyong doktor ngayon o humingi ng agarang medikal na pangangalaga kung:

  • Bigla kang nawalan ng pandinig.

  • Nakakaranas ka ng matinding pananakit o pagkahilo.

  • May lumalabas na namang nana o dugo sa iyong tainga o dumami ang lumalabas na nana o dugo sa iyong tainga.

  • Namumula, namamaga o nananakit ang paligid o likod ng iyong tainga.

Bantayan nang mabuti kung magkakaroon ng mga pagbabago sa iyong kalusugan, at siguraduhing tatawag ka sa iyong doktor kung:

  • Hindi bumubuti ang iyong pakiramdam pagkalipas ng 2 linggo.

  • Nakakaranas ka ng anumang mga bagong sintomas, gaya ng pangangati o pakiramdam mo ay may laman ang iyong tainga.

Pangkasalukuyan mula noong: Setyembre 27, 2023

Bersyon ng Nilalaman: 14.0

Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong paggamit ng impormasyong ito.

© 2006-2025 Healthwise, Incorporated.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer