A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pag-unawa sa Chemotherapy

Ang chemotherapy (chemo) ay isang paggamot para sa kanser. Maaaring iisang gamot ang chemo. O maaari itong maging kombinasyon ng mga gamot. Maaaring gamitin nang mag-isa ang chemo. O maaari itong gamitin kasama ang operasyon, radiation therapy, at iba pang paggamot, tulad ng hormone therapy, targeted therapy, at immunotherapy. Madalas nitong napaliliit ang bukol o napipigil ang pagkalat nito. Ang chemo ay isang gamot na nakakaapekto sa buong katawan. Ibig sabihin dumadaloy ito sa pamamagitan ng dugo sa lahat ng bahagi ng katawan.

Lalaki sa klinika para sa outpatient na sumasailalim sa pag-iniksyon na chemotherapy.
Kadalasang ibinibigay ang chemotherapy sa isang outpatient na kapaligiran. Nangangahulugan ito na hindi mo kailangang manatili nang magdamag sa ospital.

Paano gumagana ang chemotherapy

Pinapatay ng chemo ang mga selula na lumalaki nang mabilis. Gumagana ito sa pamamagitan ng pagpigil sa mga selula ng kanser na mahati, lumaki, at gumawa ng mas maraming selula ng kanser. Maraming uri ng selula ng kanser ang lumalaki nang mabilis. Pero maraming malulusog na selula ang lumalaki rin nang mabilis. Kasama rito ang mga selula ng bibig, lining ng sikmura, bone marrow, balat, at buhok. Pagkatapos ng chemo, magagawang lumaki muli ng malulusog na selulang ito. Pero namamatay ang mga selula ng kanser. Iyan ang dahilan kung bakit bumubuti ang masasamang epekto ng chemo sa paglipas ng panahon. Maaaring kabilang sa masasamang epekto ang:

  • Pagkalagas ng buhok

  • Masakit na tiyan (pagduduwal)

  • Mababagn bilang ng selula ng dugo

Maraming paraan para ibigay ang chemo. Kabilang sa mga ito ang:

  • Sa pamamagitan ng bibig, bilang isang tableta o likido (iniinom)

  • Sa pamamagitan ng IV (intravenously) sa ugat

  • Sa pamamagitan ng pagturok (iniksyon)

  • Sa tiyan (intraperitoneal)

  • Sa pantog (intravesical)

Karaniwang ibinibigay ang chemo sa mga cycle ng paggamot. Ang cycle ay ang panahon mula sa isang paggamot ng kanser hanggang sa susunod. Halimbawa, a 3-linggong cycle ay maaaring paggamot na ibinibigay nang 2 linggong sunud-sunod, at pagkatapos ay 1 linggong wala. Ang 3-linggong cycle ay maaari ding paggamot na ibinibigay nang minsan bawat 3 linggo. Kailangan ang panahon sa pagitan ng mga paggamot sa panahon ng cycle. Hinahayaan nito na makabawi ang mga normal na selula bago ang susunod na paggamot.

Ang mga layunin ng chemotherapy

Mapapatay ng chemo ang mga selula ng kanser. Bilang resulta, maaari nitong gawin ang sumusunod:

  • Pinaliliit ang kanser bago ang operasyon. Tinatawag itong neoadjuvant na paggamot.

  • Pinapatay ang mga selula ng kanser na maaaring natira pagkatapos ng operasyon. Tinatawag itong adjuvant o pantulong na paggamot.

  • Binabawasan nito ang mga sintomas, gaya ng kirot. Tinatawag itong palliative care.

  • Kinokontrol ang kanser sa isang yugto ng panahon. Isa rin itong uri ng palliative care.

  • Binabawasan ang sanhi. Nangangahulugan ito na walang senyales ng kanser sa mga medikal na pagsusuri.

  • Ginagamot ang kanser. Ibig sabihin nito na ang pangunahing paggamot ay para patayin ang mga selula ng kanser at pigiling huwag itong bumalik. Nangangahulugan ito na walang senyales ng kanser ilang taon pagkatapos ng paggamot.

Mga masasamang epekto ng chemotherapy

Nakadepende ang mga side effect sa lokasyon ng kanser, uri ng mga gamot, at dosis ng chemo na ibinibigay sa iyo. Dahil nasisira din ng chemo ang malulusog na selula, maaari kang magkaroon ng mga side effect, gaya ng:

  • Pagduduwal at pagsusuka

  • Mga pagbabago sa ganang kumain

  • Pagkalagas ng buhok

  • Mababang bilang ng pulang selula ng dugo (anemia)

  • Mababang bilang ng puting selula ng dugo

  • Mababang bilang ng platelet

  • Mga impeksiyon

  • Pagdurugo

  • Mga sugat sa bibig at lalamunan

  • Mga pagbabago sa timbang

  • Mga pagbabago sa balat, tulad ng tuyong balat, pangangati, at tagihawat

  • Nawawalan ng gana sa pakikipagtalik

  • Matinding pagkapagod (pagkahapo)

  • Nahihirapang makaalala at magpokus

  • Stress at depresyon

  • Pagtitibi o pagtatae

  • Pamamanhid ng mga kamay at paa

Mga pangmatagalang panganib

May ilang pangmatagalang panganib sa chemo. Ngunit karaniwang nahihigitan ng mga pakinabang ang mga panganib. Nakadepende ang mga panganib sa uri at dosis ng ginamit na chemo. Kabilang sa ilang maaaring pangmatagalang panganib ang:

  • Maaaring hindi pagkakaroon ng mga anak (pagkabaog)

  • Pagkasira ng ilang organ, gaya ng puso, mga bato, atay, o mga baga

  • Tumatagal na pagkasira ng nerbiyo

  • Isa pang kanser na tutubo kinalaunan

Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Online Medical Reviewer: Susan K. Dempsey-Walls RN
Date Last Reviewed: 11/1/2023
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer