A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pagsasabi Tungkol sa Pananakit

May karapatan kang masuri at magamot para sa iyong pananakit nang mabisa hangga't maaari. Nililimitahan ng hindi nagagamot na pananakit ang pagkain, pagtulog, at aktibidad. Sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung saan at gaano ka nasasaktan. Maaaring hindi posibleng mapaginhawa ang lahat ng pananakit. Ngunit makatutulong ang iyong tagapangalaga ng kalusugan na makamit ang lebel ng pananakit na kaya mo.

Babaeng nakikipag-usap sa tagapangalaga ng kalusugan.

Ang iyong tungkulin

Sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ang tungkol sa pananakit at mga problema mo sa kalusugan. Tiyakin na:

  • Banggitin ang lahat ng gamot na iniinom mo. Kasama rito ang mga gamot na nabibili nang walang reseta. Kabilang din dito ang anumang halamang-gamot, tsaa, o bitaminang iniinom mo. Siguraduhin na isama din ang anumang substansya, tulad ng marijuana o alak.

  • Banggitin ang anumang diskarte na ginagamit mong pampaginhawa ng pananakit. Maaaring kabilang sa mga ito ang masahe o pagninilay.

  • Alamin ang antas ng pananakit ayon sa itinagubiin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan.

  • Kung sinabi sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan, ilista sa diary ang antas ng iyong pananakit. Itala ang mga paggamot na ginagamit mo at kung paano gumagana ang mga ito. Maaaring hilingin din sa iyo na ipaliwanag kung gaano katindi ang iyong pananakit sa sukatan na 0 hanggang 10. Ang zero ay walang pananakit at 10 ang pinakamalalang pananakit na maiisip mo. Maging handang gawin ito para sa iyong tagapangalaga ng kalusugan.

  • Sundin ang iyong plano ng paggamot ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. Sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung paano gumagana ang paggamot sa iyo.

Habang nababawasan ang pananakit, bubuti ang pakiramdam mo. Kung mas kaunti ang pananakit, mas kaunting stress sa iyong katawan at isip.

Ang tungkulin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan

Tutulungan ka ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na maunawaan at pamahalaan ang iyong pananakit. Sasabihin sa iyo ang tungkol sa mga pagpipilian para kontrolin ang pananakit. Pinakamalamang na kasama rito ang mga gamot. Maaari ding makatulong ang mga pagpipilian tulad ng physical therapy at acupuncture.

Online Medical Reviewer: Callie Tayrien RN MSN
Online Medical Reviewer: Jimmy Moe MD
Online Medical Reviewer: Tara Novick BSN MSN
Date Last Reviewed: 11/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer