A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pag-unawa sa Apnea ng Prematurity

Kadalasang may mga problema sa kalusugan ang mga sanggol na isinilang nang masyadong maaga (premature), tulad ng apnea. Apnea ang tawag kapag tumitigil sa paghinga ang isang sanggol nang maikling oras (higit sa 15 segundo). Maaari ding magkaroon ang sanggol ng bumagal na tibok ng puso at pagbagsak ng oxygen sa dugo.

Mga sanhi ng apnea sa mga premature na sanggol

Isang hindi pa buong nervous system ang pangunahing sanhi ng apnea. Hindi pa lubos na nabubuo ang utak at mga reflex ng isang premature na sanggol. Kaya maaaring walang reflex na huminga ang sanggol kapag masyadong mababa ang antas ng oxygen sa dugo. Mas malamang din na barado ang mga daluyan ng hangin ng mga premature na sanggol kapag nakabaluktot ang kanilang ulo at leeg o kapag nasa isang patayong posisyon sila, tulad ng nasa isang upuan sa sasakyan.

Maraming bagay rin ang maaaring magpalala ng apnea, tulad ng pagkapagod. Mabigat na trabaho ang paghinga, at hindi pa lubos na buo ang mga kalamnan ng mga sanggol na kulang-sa-buwan. Maaari ding maramdaman ng sanggol na nakakapagod ang pagkain. O maaaring may immaturity sa pagkain ang sanggol. Ito ay kapag tumigil sa paghinga ang sanggol dahil hindi pa niya natututunan ang pagsasabay sa pagsuso, paglunok, at paghinga. Maaari ding palalain ang apnea ng iba pang problema, tulad ng impeksiyon o sakit.

Paano ginagamot ang apnea?

Maaaring kailangan ng isang sanggol na may apnea ang isa o higit pa sa mga paggamot na ito:

  • Banayad na pagpapasigla. Napapasigla ang nervous system ng sanggol ng paghagod ng likod o mga paa ng sanggol o pagtapik sa balat. Maaaari nitong simulan muli ang paghinga.

  • Mga gamot. Maaaring ibigay ang caffeine sa ospital upang makatulong na simulan muli ang paghinga.

  • CPAP (continuous positive airway pressure) o mga nasal cannula (mga prong sa ilong). Naghahatid ng banayad at tuloy-tuloy na daloy ng hangin ang mga paraang ito sa mga daluyan ng hangin ng sanggol. Tumutulong ang mga ito na pagaanin ang paghinga. Maaari ding gamitin ang mga ito upang bigyan ang sanggol ng karagdagang oxygen kung kailangan.

  • Ventilator. Tumutulong ang makinang ito sa paghinga. Binibigyan nito ang sanggol ng mga hininga ng hangin, oxygen, o isang halo sa pamamagitan ng isang tubo na pumapasok mismo sa windpipe.

Maaari ding makatulong ang paggamot sa iba pang mga problema, tulad ng isang impeksiyon.

Anong mangyayari kung tumigil sa paghinga ang aking sanggol?

Habang nasa NICU (neonatal intensive care unit), sinusubaybayang mabuti ang iyong sanggol. Kung hindi huminga ang sanggol sa loob ng ilang segundo, tutunog ang isang alarma. Pagkatapos, titingnan ng tauhan ng NICU ang sanggol. Kung hindi humihinga ang sanggol, gagawa ng mga hakbang ang tauhan, tulad ng oxygen, upang simulan muli ang paghinga. Ginagawa ito nang napakabilis upang makatulong na maiwasan ang anumang pinsala sa iyong sanggol.

Ano-ano ang mga pangmatagalang epekto?

Nawawala ang apnea ng prematurity habang lumalaki ang sanggol. Kapag nawala na ito, wala nang pangmatagalang epekto. Gumaling na sa apnea ang karamihang sanggol kapag handa na silang umalis ng NICU. Maaaring umalis ng NICU ang ilang sanggol na may isang monitor sa tahanan o gamot na caffeine. Hindi mas nasa panganib ang mga sanggol na nagkaroon na ng apnea sa SIDS (sudden infant death syndrome) kinalaunan.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer